Monday, November 26, 2012

Ang Kwento Kung Bakit Hindi Mahanap ni Price Charming si Princess

Prologue:

Prince Charming: hangin ba yung kagandahan mo?
Princess : bakit? (with matching tweetums effect)
Prince Charming: di ko kasi makita e.


Disclaimer: walang kinalaman ang prologue sa kwentong to.

Once upon a time sa isang kagaubatan si Princess hinnihintay si Prince charming... hindi makarating si Prince Charming sa kanyang pupunthan kung saan nandoon si Princess.

Bakit kaya hindi makarating si Prince Charming sa kanyang paroroonan?

1.  Si Prince Charming ay naligaw sa gubat.

2. Kinain ng leon, tigre, langgam at butterfly?

3. Baka naman hindi na talaga kasi nung papunta sya kay Princess nakasalubong nya si Red Riding Hood at binitch sya nito. Mas magaling daw kasi magpa-ride :D (if you know what I mean)


4. Maraming Prince Charming na nag hahanap sa Princess tapos nagkasalubong silang lahat at na fall sila sa isa't isa and they live happily ever after kaya di na nila hinanap si Princess.

5. Baka ayaw talaga sayo ni Prince Charming kaya pinili na lang nito mag tago sa gubat kasama ang ang barkada nyang seven dwarfs. "Prince Charming and the Seven Dwarfs."

6. Ayaw nya ng story nyo kasi ang magiging title if ever namagkatuluyan kayo ay "Prince Charming and the Beast."

7.  Namimitas ng mga flowers bago pumunta sayo. Hindi dahil gusto nya rin nito, bibigay nya syempre sayo pag nagkita na kayo. kaya kalma ka lang. Namimitas sya ng mga magagandang bulaklak para mas maging masaya ka pag nagkita na kayo. Para sweet na rin.(maipilit lang)




PART2

Princess 1 : Sana mahanap ko na yung pag ibig ko.

Princess 2: Hindi hinahanap yan. IBINIBIGAY YAN. SA TAMANG TAO AT SA TAMANG PANAHON.



-The End-



Thursday, October 4, 2012

Pain on the left corner, Fear on the right.

Kung ikaw ang papipiliin kung pain o fear anong pipiliin mo?

Para sakin, PAIN na lang. mas gugustuhin ko pang masaktan kesa matakot.

Para sa duwag lang ang pipili ng fear. Hindi nila kayang ipaglaban kung ano ang gusto nila at kung ano ang nararamadaman nila.

Hindi ko hahayaang ma-overpower uli ng fear ang pain. Been there, done that kasi.

Mas gugustuhin ko pang masaktan kesa matakot. Ang sakit lumilipas din yan, pero pag takot ka maaring hindi mo magawa ang mga bagay na gusto mo na mag reresulta sa mga regrets mo. Yung tipong pag sisihan mo buong buhay mo kasi hindi mo nagawa kasi takot ka. Better take the risk ika-nga "You only live once". Ayokong mapuno ang buhay ko ng pagsisisi dahil natakot ako.

Kung fear ang papairalin mo sa buhay mo hindi mo malalaman kung ano ang nasa likod ng salitang FEAR kung hindi mo susubukan. Malay mo yun na pala yung gusto mo. Yung opportunity na nag hihintay lang sayo.

Oo, hindi maiwasan na sa pag harap mo sa fear ay ang pagkabigo, dun papasok ang pain. Mararamdaman mo man ang sakit pero lilipas at lilipas din yan. Kaya nga may "Move on process". Dun sa  phase na pag harap sa pain ay matututo kang maging matatag which is beneficial saatin kasi the more problems you have, the more you will become strong.

Hindi nyo ba alam na ang si Thomas Edison ang nakaimbento ng light bulb? Bakit nya to naimbento? Kasi takot sya dilim. Sa tingin nyo kung hindi ba sinubukan ni Thomas Edison na iovercome yung fear nya sa darkness ay maiibento ang light bulb? Diba hindi?

Kung nasa utak nya lang yung idea na gumawa ng ilaw dahil takot syang hindi nya kayang magawa ito, at  may ibang nakaisip rin at sinubukang gumawa at naging successful, sa tingin mo magiging masaya sya? buong buhay nyang sasabihin na "Sayang, kaya naman pala magawa e. Sana pinagpatuloy ko na lang." Regrets? yan ang resulta ng fear. REGRETS.

Hindi mo naman pag sisihan ang isang bagay kung ginawa mo to ng tama. As long as masaya ka at sa tingin mong tama yung ginawa mo :)

Friday, September 28, 2012

Ang OUTLET.


Ipapasok ko plug ko sa outlet mo, hugutin ko mamaya baka pumutok.

Friday, August 24, 2012

Bangag.Addict.Insomaniac.

Ilang reasons kung bakit ka nag pupuyat sa gabi ;

"Dude, I slept yesterday 6 in the morning na coz I was partying all night"

"Tang ina pre, sarap ni Mary Jane. Hindi ako pinatulog."

"IMBA tol panalo kami sa DOTA inabot na ng umaga. Hindi na nga ako natulog kasi may pasok ako e."

"Girl, I'm so kilig. I was stalking last night yung crush ko. Pati nga facebook acount ng parents nya na view ko na. It was like the best night ever in my whole life EVEEEEER! ( tirk mata sa kilig sabay palo sa braso kay friend)

"bro, nanuod kami ng concert ni Lady Gaga. Ang ganda pre. napasayaw nga ako nung kinanta na yung Born This Way tapos yung Telephone. Sobrang sulit yung ticket. Hindi ako nakatulog kakaisip sa dance step na sinasayaw. balak ko kasing sayawin sa harap ni mommy at daddy e. Yung top 25 nga ng iPod ko puro songs ni mother monster"

"Grabe naman si Sir, mukha na ngang mongoloid corny pa ng jokes, feeling cool na manyakish pa, hirap ng assignments tapos sasabayan pa nung pandak na prof na laging handwritten ang assignment. Napuyat tuloy ako."

"ThesisShit  ginagawa ko buong araw. Hanggang ngayong madaling araw ba naman?"

"Sis, over night ka here miss na kasi kita. Tapos mag chismisan tayo buong gabi. Tapos inom tayo ng milk tea. (with pictures) "

"Hindi ako nakatulog kagabi kasi na-trauma ako sa takot. Biruin mo ba naman nag wala yung prof ko sa galit. Nanlalaki na yung mata sa bobo kong classmate kasi hindi maintindihan ang prrrrrrotocol, routerrrrr, vtp prrrrruning. trrrunking, brrroadcast domain at frrrames. Arrrrr"


"Hello ma'am. Hello sir. Hello? Hello, is it me your looking for? Call me maybe using payphone" -call center agents.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Ilan lang yan sa mga reasons kung bakit tayo napupuyat. Nakaka inggit sila kasi may reasons kung bakit sila napupuyat samantalang ako wala. WALA. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako dinadapuan ng antok sa gabi hanggan sumilip na si mr. sun. Sirang sira na ang body clock ko. huhu.May sakit ba ako? Madalas na lang ganito mga 4x a week. Bangag ba ako? or addict? o Insomaniac in nature lang talaga ako?


PS.

So help me God.





Friday, June 29, 2012

......






May mga tao na kahit hindi sya ang mahal ng mahal nya basta single, masaya at panatag na sila.




Eto lang naman ang gusto kong sabihin sa kalagitnaan ng hating gabi. KDOT. haha. :))






Monday, June 25, 2012

Minsan May Isang Puta

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.

Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.

Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.



Pilipinas nga pala.



PS: I don't have the rights to claim this post. The copy right goes to the one I saw on FB. Thanks :)

Thursday, June 21, 2012

Caged in this Dilemma

Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng impact sakin pag dating sa usaping "FUTURE" Hindi 'to yung iniisip nyong hinaharap. Seryoso to. Yung parang may obligasyon na ako tulad ng pag bayad ng kuryente, tubig, pagpapatayo ng bahay, pag bigay ng baon sa mga anak, pang tuition ng mga anak, pang grocery, pang bayad ng insurance para sakanila. Yung feeling ng ganun. In short PRANING ako. Pressured.

Siguro dahil lahat ng nakapaligid sakin mga successful na. o di kaya sadyang mataas lang talaga ang expectation nila saakin. Yung feeling ng dapat lahat perfect ang ginagawa mo. Maayos at naaayon sa plano ng mga nakapaligid sayo. Lahat sila nakatingin. Bawat kibo may matang nakasunod.

Minsan napa-isip ako, kung hindi ba ako tumino nung una hindi din ba ganito ang treatment sakin? Thankful ako kasi maayos ang buhay ko ngayon dahil sa pagtitino ko. Kilala sa school, VIP Treatment, Pinagkakatiwalaan, Inaasahan, siguro kinaiinggitan ng iba, o kaya pinangarap na sana sila naman ang nasa katayuan ko.

Alam kong disappointed sila sa naging desisyon ko na hindi ipagpatuloy ang nasimulan, na bunga ng pag titino.

Hindi ako nanghihinayang dahil dun, nanghihinayang at nalulungkot ako dahil binigo ko sila. Yung tipong planado na pero hindi ko tinuloy ang plano nila. Nothing against my family kasi sa simula pa lang tutol na sila. Masaya pa nga sila sa desisyon ko e. Gusto ko at masaya ako dito.

Eto pa rin ako, nakakulong sa ganitong dilemma. lalo na sa tuwing may makakausap ako na inaasahan na ako yung nasa lugar na yun.

Sana maintindian nyo. Pagod na rin ako mag explain. Paulit ulit na lang kasi. Move on na tayong lahat ok?